Langaw Daw

Una sa lahat, di ko mawari ano ang pakay mo upang mag-post ng kung anu-anong galit at poot sa mga status mo. Di na sana kita papatulan dahil di ka naman kapatol-patol. Sa totoo lang pag-aaksaya ng panahon itong ginagawa ko ngayon. Matagal na kitang kilala, pero di ka pa rin nagbabago. Sa tingin ko pag nabasa mo 'tong post ko, walang magbabago. Pero dahil nag-viral yung post mo, heto tayo ngayon. Sagarin natin ang "time to shine moment" mo. Oportunidad na rin to para sagutin lahat ng mga kagaya mo mag-isip. Gusto ko lang iklaro na sa paggamit mo pa lang ng salitang "langaw" para tukuyin ang ibang tao, talo ka na agad. Sa unang parirala pa lang, X ka na. Hindi mapaghusga ang mga tunay na matatalino at matitinong tao. Kung tama at karapatdapat pakinggan ang pahayag mo, hindi mo na dapat minaliit ang inaaway mo. Yung totoo, hindi ko alam kung sino yung mga tinutukoy mong langaw. Sa pagkakaalam ko walang baong mga langaw si President Duterte. Pero sabihin na nating sa pagbasa ng post mo, napagtanto ko na tinutukoy mo ang mga taga-Davao at Mindanao na mga media at mga staff na isinama ni President Duterte.…