Tag Archives: joem bascon

Oro by Alvin Yapan [MMFF 2016]

I’m not a movie reviewer but I think it would be a great disservice to everybody if I don’t promote this film. I went inside the cinema with high expectations. After all, Sir Alvin Yapan is one of my most favorite professors of all time. And for the first time, one of his films is showing in local cinemas. So yey!

Oro, Dugo ang Kinang ng Ginto
Oro, Dugo ang Kinang ng Ginto

Kahit na sobrang taas ng expectations ko, I was blown away and greatly overwhelmed by Oro. Ang ganda ng storya. Thought-provoking and cringe-inducing siya. At sa totoo lang gusto ko talaga ihagis yung phone ko sa silver screen. Nakakalungkot at nakakagalit. Ang bigat ng pakiramdam habang nanonood ako at kapag naaalala ko yung pelikula. At lalo akong naiinis kapag naalala kong based on true events ang kwento. 😭

Ang galing ng actors. Iba! They deserve the Best Ensemble Award. At siyempre, Irma Adlawan IS Irma Adlawan. Subtle pero powerful. Sobrang saludo ako kay Kapitana, both the character and the real life Kapitana. Mabuhay kayo!

Irma Adlawan as Kapitana in Oro
Irma Adlawan as Kapitana in Oro

Gustong-gusto ko rin sila Joem Bascon (bukod sa crush ko siya matagal na) dahil ang galing niya talaga pati yung mga actors na kabarkada/katrabaho niya sa ball mill. 🙌🏻 And I must not fail to mention Mercedes Cabral. This girl can effectively play all kinds of characters, I think.

At yung mga goons naman, hay nakakabwisit talaga. Kung inis na inis kayo kay Dolores Umbridge sa Harry Potter series… aba nakahanap ako ng mas nakakabwisit sa kanya, ang p*tang *nang si Mrs Razon. Hay! Sarap painumin ng mercury. 😡 Pag na-meet ko si Sue Prado, gusto ko siya bigwasan.

I felt frustrated, helpless, at sobrang dami pang ibang emotions nung nanonood ako. Di ako iyakin pag nanonood ng mga pelikula pero naluha ako several times while watching Oro. At nung nag-end credits na bumuhos luha ko at para akong naka-glue sa upuan ng sinehan kasi ang hirap makapag-get over at mag-move on sa pelikulang ito.

Pasensya na. Medyo emotional ako ulit ngayon kasi narinig ko ulit ang theme song ng movie,
“Nananaghoy ang Puso Ko.” Perfect yung kanta para sa pelikula at nung narinig ko ito ulit ngayon, bumalik lahat ng emosyon na naramdaman ko nung pinanood ko yung film. Ganun kagaling yung kanta.

Ganun kagaling yung pelikula. It will stay with you. Malamang ayaw mong manood ng isang mabigat na pelikula pero etong pelikulang ito kelangan mong panoorin talaga. Magaling ang pagkakakagawa at mapapaiisip ka talaga.

Facebook status lang dapat to pero ang dami kong gustong sabihin tungkol sa pelikulang ito kaya napa-blogpost.

Grabe ang galing talaga ng pelikula. Don’t miss the chance to watch it. Maraming salamat, Gaisano Mall of Davao dahil pinapalabas mo ang Oro at murang-mura lang po and ticket, P145. Kung may time pa ako, papanoorin ko ito ulit.

Maraming salamat, Sir Alvin Yapan and to your team! Expecting more great stories from you.

All images from the Oro – MMFF 2016 Page at https://www.facebook.com/oroformmff2016.