Move On Mo Mukha Mo!

Sinasabi mong wala kang pakialam kasi di ka naman direktang apektado ng Martial Law. Eh kung gayon, tongenuh! Bakit ka pa nag-effort magpost tungkol doon? Wag kang papansin. Kung talagang wala kang pakialam, tahimik na lang.

Sinasabi mong move on na kami. Eh ikaw nga nangingialam ka sa di namin pag move on, kami pa kaya na nawalan ng magulang? Tongenuh mo!

Sinasabi mong magpatawad na kami. Paano magpapatawad ang taong di hiningan ng tawad? Paano magpapatawad kung patuloy na dine-deny ng mga may sala ang kanilang mga krimen? Paano magpapatawad kung maraming nagsasabing hindi totoo at hindi lehitimo ang sakit na nararamdaman namin? Tongenuh mo!

Sinasabi mong legal ang nangyari. Eh tongenuh! Paano na yung pag-aresto, pambubugbog, pagkawala, at pagkamatay ng libo-libong Pilipino, ano na?! Legal ba yun?! Tongenuh! Move on kami doon pero kayo di kayo matahimik kasi ayaw namin ipalibing ang isang kriminal?! Move on kami kahit na pinatay ang mahal naminsa buhay pero kayo di kayo makapag move on dahil di malibing ang isang kriminal? PAKYU PO!!! PAYASO AMPOTAH!!!

Sinasabi mong marami siyang nagawang tama at mabuti. Eh tongenuh mo! Dahil ba nakagawa ng mabuti peke na lahat ng pagnanakaw, pagkitil sa demokrasya, pagpatay, at panggago sa sambayanang Pilipino?!

Sinasabi mong kasalanan to ng ibang tao dahil nanggago rin sila. Tongenuh!!! Pag ikaw binugbog, magiging ok lang ba sayo yun dahil ang ibang tao may binugbog din na ibang tao? Kagaguhan!!! Hindi dahil may nagawang mali ang ibang tao eh ok na yung may libo-libong Pilipino ang inaresto, binugbog, at pinatay?

BAGO NIYO KAMING SABIHAN NA MOVE ON NA KAMI, BIGYAN NIYO KAMI NG HUSTISYA! IBALIK NIYO ANG KABATAAN KO! IBALIK NIYO ANG KALAYAAN NG MGA MAGULANG KO! IBALIK NIYO ANG BUHAY NG LIBO-LIBONG PILIPINONG NAMATAY. BAWIIN NIYO ANG SAKIT NA NARAMDAMAN NG LIBO-LIBONG PILIPINONG BINUGBOG! IBALIK NIYO ANG BILYONG PISO NA NANAKAW SA MAMAMAYANG PILIPINO! IPAKITA NIYO ANG LIBO-LIBONG DESEPARACIDOS! ANO NA?! Emote na emote kayo kasi di mailibing ang isang mandarambong pero kami bawal kami magalit at humingi ng hustisya. PAKYU PO!

Give us back our innocence. Give us back a childhood free of fear. Give me back a healthy, whole family. Give me back my father. Give me back everything I lost and never had. Kaya niyo bang ibigay sa akin yun? Kaya niyo bang ibigay yan sa libo-libong Pilipinong naging biktima ng Martial Law, sa kanilang mga anak at mga kamag-anak?

Hanggang hindi namin nakakamit ang hustisya, hanggang may mga taong patuloy na di inaamin ang katotohanan tungkol sa Martial Law, walang sino mang makakapagsabi na move on na kami. Dahil tongenuh niyo… kung hindi ipinaglaban ng mga bayani at martir ng Martial Law ang ating kalayaan, tayong lahat walang karapatang ihayag ang kahit na anong gusto nating ihayag. Kung hindi sila nagsakripisyo, we will all continue to live in fear and squalor.

Di kita pinipigilang magpakamangmang, tanga, bulag, at bobo. Kaya tongenuh, WAG MO RIN AKONG PIGILAN AT PAKIALAMAN NA MAGALIT, HUMINGI NG HUSTISYA, AT IPAHAYAG ANG AKING NARARAMDAMAN!

Tongenuh mo. Pakyu. Wala akong pakialam kung gusto mong maniwala sa mga gusto mong paniwalaan. Truth is whether you believe it or not, THOUSANDS OF FILIPINOS suffered under Martial Law and you have no effin right to tell us we have no right to be hurt or angry.

Hindi kita pinipigilan sa pagiging tanga, bobo, at insensitive mo. Choice mo maging ganyan. Ako choice kong ipaglaban ang mga ipinaglaban ng mga magulang ko. Choice ko maghanap ng hustisya. Choice kong ipaglaban ang katotohanan. Choice ko na patuloy ipaglaban ang demokrasiya para sa akin, para sa bawat Pilipino… pati na rin para sayo na patuloy na nagpo-post at nakikipaglaban para sa mga maling bagay.

Binuwis ng Papa ko at ng libo-libong Pilipino ang buhay nila para malaya mong paniwalaan ang kahit na anong potang inang katangahan ang gusto mong paniwalan at ipaglaban. Kaya WAG MO AKONG PAKIALAMAN KUNG DI AKO MAKAPAG-MOVE ON AT PATULOY KONG IPINAGLALABAN ANG KARAPATAN MONG MAGING MALAYA.

DON’T ME!!!

Closure

“Tell her why. At least give her the chance to have feelings about it. For god’s sake!”

– Meredith Grey, Grey’s Anatomy Season 2 Episode 2

Sabi dito ENTJ daw personality ko. Sabi rin “ENTJs desire closure in their lives, wanting to make conclusions about things or people quickly.” AWOW! I’m not one to easily believe these online quizzes and tests but I have consistently gotten an ENTJ result the past few years. (I used to be ENFP.)

Anyway, the point is… apparently, I need closure. Personality test and diagnosis aside, yes, I am that person. It took me almost five years to get over my first love. And he wasn’t even my boyfriend. We just had an on and off thing. I moved on because I got the closure I wanted. We didn’t really part ways. Rather, he got himself a girlfriend. And yes, brave old me was calm and collected. I maintained my friendship with the guy. And his girlfriend. HUWOW! That started a pattern in all my relationships which I terribly regret now.

So how did I get the closure I wanted? I asked for it. Some four or five years after he got himself a girlfriend, we met up for dinner. And I asked all the questions I wanted to ask and got the answers I had to hear. And there you go, I was finally over him. More recently, I have had the same experience. Even if it was clear for a long time that me and this ex were never ever gonna be together, I was not able to move on. Not necessarily because I still wanted to be with him, I just really needed him to apologize, to tell me his reasons, to give answers that I think I deserve. And there you go, I am finally ok and we can finally be truly friends.

But this does not happen often. People leave without so much as a good bye. At eto ako… basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Wait… well, it seems a bit that way. When somebody chooses somebody else or leaves me, or just cuts off ties for whatever reason, I seem like a lost child. Like I don’t know what to do and where to go. Iniwan sa ere. Ain’t such a great feeling. And FML! It happens to me all the time.

Piolo (and I) deserve an explanation.
Piolo (and I) deserve an explanation.

Eto na naman ako… paulit-ulit na lang. Sabi nga sa kanta nila Piolo at Sarah G (totally different movie, BTW), “Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak na lang palagi, Gusto ko nang lumisan.” Sakit beh. Minsan (and most recently), di pa nga ako nagmahal, like pa nga lang… thumbs up pa nga lang, di pa napusuan, nasaktan na. OUCH! Sakit, beh.

Once again, I am like a lost child. Pero eto ang maganda, with the help of my friends, nagka-epiphany ako. YES! After 34 years of existence and 21 years of liking, loving, investing emotions, and ending up heartbroken and lost, ETO NA BEH! Natuto rin ang puso kong tanga.
Continue reading

The Achy Breaky Hearts

‘Di ako masyadong iyaking kapag nanonood ng mga pelikula. Pero yung “The Achy Breaky Hearts,” hindi pa lumalabas yung title card naluha na ako. Pak na pak ang intro. #ICanRelate sa linyang ito…

“Hindi naman sa kailangan na may kasama umuwi, kumain o matulog. Masarap lang din siguro kung meron. Di ba?” – The Achy Breaky Hearts

BOOM! PAK! GANERN! Doon sa “Di ba?” buhos na ang tears. Ang ganda ng pagkakasulat ng intro ng pelikula. Parang pwede kong sabihin na para sa akin yung pelikula. Tama ang desisyon ko na panoorin yun mag-isa.

Tapos halos buong pelikula naluha-luha lang ako kahit nakakatawa naman. Kasheh tagos sa buto mga beh. Yung masaya ka naman na single ka pero tongenuh yun, masaya kayang kiligin. Yung kahit na buo ka naman at di mo naman talaga kailangan ng kasama sa kung ano at kung saan pero pag naiisip mong paano nga kung meron?

Ria Jose
Chinggay, ako ba ikaw? Ikaw ba ako? Nakaka-relate ako beh. #TeamSingle

‘Yon eh… doon tayo sa mga what ifs tinatamaan. The film shows us how we can be happy being single yet still yearn for something more. Yung kumpleto ang buhay mo pero di mo mapigilang isipin na baka mas masaya ka kapag may kapares ka. Palagay ko ganun din yung mga taken. Masaya naman silang may kapares pero minsan napapatanong din na baka mas masaya kapag single. Ika nga “the grass is always greener on the other side.”
Continue reading

Langaw Daw

Una sa lahat, di ko mawari ano ang pakay mo upang mag-post ng kung anu-anong galit at poot sa mga status mo. Di na sana kita papatulan dahil di ka naman kapatol-patol. Sa totoo lang pag-aaksaya ng panahon itong ginagawa ko ngayon. Matagal na kitang kilala, pero di ka pa rin nagbabago. Sa tingin ko pag nabasa mo ‘tong post ko, walang magbabago. Pero dahil nag-viral yung post mo, heto tayo ngayon. Sagarin natin ang “time to shine moment” mo. Oportunidad na rin to para sagutin lahat ng mga kagaya mo mag-isip.

Gusto ko lang iklaro na sa paggamit mo pa lang ng salitang “langaw” para tukuyin ang ibang tao, talo ka na agad. Sa unang parirala pa lang, X ka na. Hindi mapaghusga ang mga tunay na matatalino at matitinong tao. Kung tama at karapatdapat pakinggan ang pahayag mo, hindi mo na dapat minaliit ang inaaway mo.

Yung totoo, hindi ko alam kung sino yung mga tinutukoy mong langaw. Sa pagkakaalam ko walang baong mga langaw si President Duterte. Pero sabihin na nating sa pagbasa ng post mo, napagtanto ko na tinutukoy mo ang mga taga-Davao at Mindanao na mga media at mga staff na isinama ni President Duterte. Sabi mo sa post mo dapat “mag-aral sila ng mabuti. Ayusin nila ang trabaho nila.” Ok, gets. Tama naman. Pero bakit kelangan mong sabihin ito “Hindi biro magtanong at kumalkal ng baho ang manila-based media.”

Hindi po basehan ng mabuting trabaho ang kahusayan sa pagkalkal ng baho. Ito ba ang journalistic standard mo? Mas mabuting mamahayag ka kung magaling kang makalkal ng baho at basura? Baka naman mga chismoso’t chismoso ang hanap mo at hindi mga mamahayag?

Ang mas mahalagang punto, bakit mong iniisip na hindi kasing galing ng mga taga-Mindanao and mga taga-Maynila? Parang siguradong-sigurado ka sa pahayag mo ah. With confidence. (Lakas ng tiwala mo sa sarili mo ah.) Para sabihin ko sayo, may personal na hidwaan ako sa iilang miyembro ng Davao media pero hindi ko maikakailang magagaling, masisipag, at matatalino ang karamihan sa kanila. Mahusay magsulat. Masipag magsaliksik. Matino magbalanse ng balita. Nakita ko ang karamihan sa kanila nuong nakaraang kampanya sa sa iba pang mga pagkakataon. Kahit minsan walang humingi ng special treatment. Lahat nakipagsiksikan. Lahat pinagpawisan. Lahat ginawa ang trabaho ng walang pagkimi, ng walang pinapanigan.
Continue reading

The Intelligent Candidate

I don’t like kicking the horse when it’s down but I have been meaning to say this for months now… yung mga nagmamayabang na matalino sila kasi they supported a supposedly matalino candidate, magsaliksik kayo ng mabuti oy.

Hindi dahil matalino, mabuting tao at mahusay na public servant na agad. Do you really know your candidate and his/her motivations for running? Are you familiar with everything your candidate has accomplished? Yung totoo, sinusuportahan mo kasi kilala mo at alam mong mahusay na pinuno siya o kasi gusto mo lang masabing matalino ka?

Yung kandidato mo matalino. Totoo yan. Pero yung sasabihin mong matalino ka rin kasi siya sinusupotahan mo? Nakakatawa. Ginagago ka nga ng kandidato mo nang di mo nalalaman, iniisip mo pa rin na matalino ka.
Continue reading

Being a #PartnerforChange

Well, well, well… here we are. It’s June 30 and yet it has not fully sunk into my brain yet. I have always been the reluctant one, a doubter, a hesitant supporter. On the eve of the 2016 National Elections, I shared my journey with Team Duterte. What I didn’t mention is how I have vowed to return to political blogging, whoever wins. I made this vow sometime February 2016.

And here I am, on the day on the Inauguration of President Rodrigo Duterte. After more than a month of silence, I am finally returning to posting about political stuff. And yes, after many years of hiatus, I will be actively blogging about politics. Not on a separate blog, but here on my personal blog. This is my self-proclaimed duty as a #PartnerforChange.

It has been a month since we branded him as Presumptive President and weeks since he was declared as President-Elect, but it still has not sunk in yet. Wala gihapon ko katuo na nakadaog gyud si Mayor.

The past few weeks have been confusing. Mayor has not taken his oath of office as President and yet, news from left and right, from legit and not quite legit sources were aplenty. Issues came in. In all shapes, forms, and on all topics possible. I refused to answer, post, or comment. Not until I was sure I won’t be part of the incoming administration. And not until I was mentally prepared for it. I told myself, sigurado June 30 klaro na siguro akong panan-aw. Hayag na ang dalan.

First off, no, I am not officially part of the incoming administration. Am I mentally prepared to blog commentaries about the pertinent issues of the day? Not quite. Obviously, I am soooo blatantly pointlessly rambling over here. But I have to fulfill my promise to myself. To return to political blogging.

Why? As my mentee asked me “What do I wish to achieve?” The simple answer is the campaign was such a struggle that I believe I owe it to myself and to every Duterte voter, to every Filipino that we each become a #PartnerforChange. And I would like to start with what I think I can do best.

(I don’t know who came up with that hashtag but I applaud them. So simple yet so brilliant.)

So this is how I choose to be a “Partner for Change.” By remaining the reluctant one, a doubter, a hesitant supporter. Hindi ako bulag. Hindi ako bingi. Hindi ako pipi. At hindi rin ako tanga. At gagamitin ko ang ano man ang kakayahan at meron ako upang bigyan ng pansin ng mga bagay na dapat bigyan ng pansin. Para makinig sa mga hinaing, tahol, at bulyaw ng mga Pilipinong hindi napapakinggan at para bigyan ng boses ang mga mamamayang walang boses mailahad ang kanilang opinyon at mga kwento. Para magbigay ng aking opinyon at kuro-kuro kung kailangan.
Continue reading